Wednesday, March 26, 2014

Para sa Broken Hearted

0 comments

This book was written by Marcelo Santos III. Napagalaman ko lang ito sa mga kaibigan ko na mahilig sa libro. Nacurious ako dahil sa title palang ng talga ay sobrang nakakaacurious kung ano ba talaga ang libro na 'to. Kung sa unang tingin, aakalain mo na ito ay isang guide para sa mga broken-hearted. Pero mali. Ito ay isang nobela na magbibigay inspirasyon sa pagkakadapa sa pag-ibig. 

"Kapag ba nagkatuluyan na kayo ng taong mahal mo, happy ending na yun?"

Unang tanong na bubulaga sa isipan na gusto mong masagot lingid sa iyong kaalaman. Lahat ng tao ay gusto ng happy ending, sinong tao bang hindi 'di ba? Totoo bang may happy ending? Ayon sa libro, ang happy ending ay pinipili at hindi hinihintay. Lahat naman ng bagay ay pinipili. Lahat ay matter of choice. Choice mo kung magiging miserable ka o magiging masaya. Sa bawat storya ng karakter sa librong ito ay nakarelate ako sa storya ni Jackie. Ang pinakamasakit sa isang relasyon ay ang iwanan at lokohin. Yung ibinigay mo na ang buong sarili mo at buong pagkatao mo sa taong minahal mo, pero ang kapalit noon ay iniwan ka at ipagpalit. Napakanganda ng librong ito, totoong ngang para sa mga broken hearted. Sa bawat salita na binitawan at mga salitang ginamit ay mararamdaman mo yun sakit at pait ng taong umibig ng totoo at nasaktan. Ang akala ko nga noong una, sa totoong buhay ko lang maririnig ang mga batuhan ng salita ng mga karakter na involve sa kwentong ito, halos bumalik lahat ng sakit at alaalang pumatay sa akin puso nung araw na yun. Halos di ko mapigilang lumuha na parang isang ilog na di matapos ang pag-agos papuntang dagat ng mga pait. Ganon pala talaga yun, akala mo na ok ka na, na naka move on ka na, pero ang totoo meron pa rin na kirot na pilit na kumakalabit at nagpapaalala sa masakit na nakaraan. Masakit man pero wala naman tayong ibang gagawin kung di tanggapin at harapin sa bawat araw na wala na ang taong nakasanayan natin at minahal natin. Sabi nga nila, Acceptance is the key. Ang masasabi ko rin, hindi lang ito libro para sa mga nasaktan, maganda rin itong basahin ng mga taong nais makahanap ng kani-kanilang pag-asa at ng kanilang happy ending.

 

 
Copyright © Just A Thought
Blogger Theme by BloggerThemes | Theme designed by Jakothan Sponsored by Internet Entrepreneur